Patuloy ang pagtaas ng presyo ng school supplies.
Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, bunsod ito ng pagtaas din ng presyo ng raw materials.
Batay sa inilabas na guide ng DTI, lumilitaw na tumaas ng piso (P1) hanggang apat na piso (P4) ang presyo ng composition, writing at spiral notebooks.
Maliban dito, tumaas din ng singkwenta sentimos (P0.50) hanggang anim na piso (P6) ang pad papers para sa grade 1 hanggang grade 4.
Ang intermediate paper naman, nagtaas na ng piso at sitentay singko sentimos (P1.75) hanggang limang piso (P5).
Ang lapis naman ay nagmahal na ng piso (P1) hanggang anim na piso (P6) habang ang pambura ay tumaas ng dalawang piso (P2).
—-