Sa gitna ng walang puknat na oil price hike, halos limang beses nang tumaas ang presyo ng lubricants o motor oil.
Ayon kay Ernie Arnold ang, presidente ng Auto Parts Association, ang nasabing pagsirit ng presyo ay nangyari sa nakalipas lamang na isang taon.
Mula sa dating 1,500 pesos sa kada isang galon ng lubricant, naglalaro na ngayon ang presyo nito mula 2,000 pesos hanggang 2,500 pesos.
Nabatid na ang dahilan nito ay ang mataas na presyo ng lubricant sa world market na siyang nakakaapekto sa bentahan sa mga lokal na pamilihan.