Nilinaw ng Department of Trade and Industry o DTI na hindi dapat tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong nalalapit na Kapaskuhan.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, karaniwang napapansin ang paggalaw sa ilang mga noche buena items tuwing Kapaskuhan dahil ito ang mabili ngayong panahon.
Gayunman, iginiit ni Pascua na hindi dapat ito magtaas at dapat manatili pa rin sa itinatakdang suggested retail price (SRP) ng DTI.
Dagdag ni Pascua, nagkaroon na din ng pagtaas sa presyo ng hamon bagama’t karaniwan na aniya ito dahil itinuturing itong seasonal item.
Tiniyak naman ni Pascua, na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin ngayong Kapaskuhan.
Na – apektuhan ng mga… kadalasan ‘yung mga kababayan natin na nasasamantala eh ‘yung mabili ngayon, ‘yun po ‘yung tinatwag nating noche Buena items po nagagalaw.
Pero basically po sinabi na namin wala pong dapat gagalaw.
Pangalawa, sufficient po ang suplay nila dahil sabi nga nila po, December hanggang January ‘yun po ang tinitingnan nila na pinaka – malaking suplay o demand para sa kanilang pangangailangan kaya sufficient po, kanilang pinaghandaan.