Tataas ng halos 20 porsyento ang mga tinaguriang noche buena products.
Ayon sa DTI o Department of Trade and Industry (DTI) P0.05 hanggang P0.35 ang puwedeng itaas ng presyo ng mga produktong inihahanda sa Kapaskuhan tulad ng macaroni, fruit cocktail, ham at iba pa.
Gayunman, upang matiyak ang makatarungang presyo ng bilihin ngayong Kapaskuhan, nakatakdang ilabas ng DTI ang SRP o Suggested Retail Price ng noche buena products sa ikalawa o ikatlong linggo ng Nobyembre.
Samantala, bababa ang presyo ng pinoy pandesal, pinoy tasty at maging instant noodles sa loob ng buwang ito.
Ayon sa Department of Trade and Industry, P0.50 sentimos hanggang P1 ang ibababa ng bawat supot ng Pinoy pandesal at Pinoy tasty simula sa Nobyembre 15.
Samantala, kailangan naman anilang ibaba ang presyo ng instant noodles ng mula P0.24 sentimos hangang P0.30 sentimo ang kada pakete hanggang November 5.
Tiniyak ng DTI na hihingan nila ng paliwanag ang mga kumpanya ng noodles sa sandaling hindi sila makasunod na itinakdang deadline.
Ang pagbaba ng presyo ng tinapay at instant noodles ay bunga ng pagbaba ng presyo ng trigo sa pandaigdigang pamilihan.
By Len Aguirre