Nananatiling stable ang presyo ng mga noche buena products, siyam na araw bago ang Pasko.
Gayunman, aminado si Trade Undersecretary Ted Pascua na apektado ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang distribusyon ng mga produkto kaya’t nananawagan siya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil posibleng mameligro aniya ang supply ng mga ito sa maliliit na grocery.
Ipinaliwanag ni Pascua na ito ay dahil hindi umano makapag-deliver ang manufacturers sa maliliit na grocery dahil sa limitadong oras na maaaring bumiyahe ang mga delivery trucks.
Bahagi ng pahayag ni DTI Undersecretary Ted Pascua
Sa issue naman ng pagbaba ng presyo ng harina, ipinaliwanag ni Pascua na hindi naman ito dahilan upang awtomatikong bumaba rin ang presyo ng tinapay ngayong Christmas season.
Ito ay dahil mayroon pang ibang sangkap sa paggawa nito, na kailangang ikunsidera sa paggalaw ng presyo nito.
Ayon kay Pascua, sa ngayon ang target nila ay matiyak na hindi mauubusan ng supply sa mga pamilihan.
Bahagi ng pahayag ni DTI Undersecretary Ted Pascua
By Drew Nacino | Katrina Valle | Balitang Todong Lakas