Nananatiling stable ang suplay at presyo ng mga produktong pang-Noche Buena.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez, sa kabila ito ng inaasahang mataas na demand habang papalapit ang holiday season.
Sinabi ni Lopez na dahil sa higpit ng kumpetisyon, maging ang mga gumagawa ng hamon ay nagbibigay na rin ng discount habang ang iba ay tinitiyak na abot kaya ang presyo ng kanilang produkto.
Kasabay nito, hinikayat ni Lopez ang mga consumer na i-check online ang presyo ng mga Noche Buena items sa kanilang a-presyo monitoring platform.
—-