Aminado ang Department of Trade and Industry na mataas na ang presyo ng ilang Noche Buena items ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, bagaman nagmahal ang presyo ng Noche Buena items ngayong taon ay tinitiyak niyang binabantayan ito ng kanilang ahensya.
Halimbawa na lamang nito ang hamong dinarayong Excellente Meatshop sa Quiapo, Maynila kung saan umabot na sa 1,400 pesos ang kada kilo ng ham mula sa dating 1,000 pesos.
Dumarami na rin ang bumibili ng mga premium ham sa mga supermarket na naglalaro 500 hanggang 600 pesos kada kilo habang nasa 900 hangang 1,000 pesos na ang imported na queso de bola at 250 hanggang 400 pesos sa locally-made depende sa brand.
Nauna nang nagbabala ang DTI na mapaparusahan ang mga nagtitinda sakaling mapatunayan na hindi sumusunod sa suggested retail price.