Tumaas ng 1 hanggang 5% ang presyo ng noche buena items sa merkado.
Ito’Y ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), dahil narin sa ilang pagkaing inihahanda tuwing holiday season.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, marami sa mga produkto ang tumaas ng hanggang 5% at may ilang products din ang nag taas ng 6 hanggang 10%.
Bukod pa dito, may ilang pamilihan din ang nagtaas ng mahigit 10% sa presyo ng kanilang mga produkto.
Iginiit ni Castelo, na may sapat na dahilan para magtaas ng presyo sa mga produkto ang ilang mga manufacturer at hindi rin umano ito mapipigilan.
Sa kabila nito, nanawagan ang opisyal sa mga manufacturer at retailer na maghinay-hinay sa pagtaas ng presyo ng mga pagkaing pampasko, dahil marami parin ang nahihirapan sa kanilang pagba-budget sa araw-araw na gastusin.