Humirit ng dagdag presyo sa DTI o Department of Trade and Industry ang mga manufacturer ng noche buena items.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, partikular na humirit ng taas presyo ay ang mga manufacturer ng condensed milk, evaporated milk at cream na ginagamit sa salad.
Idinahilan ng mga ito ang pagtataas ng presyo ng skim milk, tin can, label at currency rates.
Mayroon aniyang 30 araw ang ahensya para pag-aralan ang hinihinging dagdag presyo sa naturang mga noche buena items.
Sa kabila nito, siniguro naman ng DTI na sapat ang suplay ng mga noche buena items sa merkado.
Bago matapos ang Oktubre ay inaasahang ilalabas na ng DTI ang Suggested Retail Price o SRP sa mga pagkain at produktong pampasko.
—-