Sa ikalawang sunod na araw, muling tumaas ang presyo ng krudo sa international market
Ito’y sa gitna ng ikinakasang embargo o pagbabawal sa Russian oil at gas imports kaugnay sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine.
Mula sa 114 dollars noong Lunes, balik sa 120 dollars ang presyo ng kada bariles ng Brent Crude, na International Benchmark o batayan ng presyo ng lahat ng mga produktong petrolyo.
Ibinabala naman ni Russian Deputy Prime Minister Alexander Novak na kung ipagbabawal sa merkado ang kanilang oil products, na malaki ang demand sa Europa, magreresulta ito sa pagbagsak ng energy market ng mundo.
Samantala, inihayag ni Russian President Vladimir Putin na magdedeliver lamang sila ng langis sa “unfriendly countries” kung Russian Ruble ang ibabayad sa kanila sa halip na dolyar.