Posibleng bawasan ang asukal sa pandesal kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo sa mga merkado.
Ito ang iginiit ni Chito Chavez, presidente ng asosasyon ng panaderong pilipino kung saan pumalo na sa P 5,000 ang presyo ng kada sako ng asukal mula sa dating P 2,500.
Sinabi nito na makakasabay aniya ang mga bakers sa tumataas na gastos sa paggawa ng pandesal at maibabalik ang original recipe nito.
Maliban dito, ipinabatid pa ng grupo na posiblng gamitin nila ang stevia sweetener bilang alternatibong asukal para sa mga diabetic.