Posible pang mag-mahal ang Suggested Retail Prices (SRP) ng Basic Necessities at Prime Commodities (BNPC).
Ipinahiwatig ni Trade secretary Alfredo Pascual na nasa 25% ng requests para sa price adjustments ang inaasahang diringgin ng DTI.
Bagaman pinag-aaralan ng DTI Consumer Protection and Advocacy Group ang petisyon para sa price hike mula sa 15 manufacturers, 55 variants naman ng stock keeping units o variants ng 20 BNPC ang inaasahang magmamahal.
Ayon kay Pascual, 1% hanggang 10% ang maaaring itaas ng presyo ng mga nasabing pangunahing bilihin.
Kabilang sa mga inaasahang magmamahal ang de latang sardinas, processed milk, kape, tinapay, instant noodles, asin, meat loaf, beef loaf, corned beef, toyo at suka.
Gayunman, hindi idinetalye ng kalihim kung kailan ipatutupad ang panibagong dagdag-presyo.
Agosto nang huling maglabas ng Suggested Retail Price ang DTI sa basic at prime commodities.