Mariing nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa sandaling maaprubahan ang P100 legislated hike sa arawang sahod ng mga manggagawa.
Binigyang-diin ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na bagaman makapagpapalakas ng ‘Purchasing Power’ ang panukalang umento sa sahod, maaari naman nitong maapektuhan ang mga maliliit na negosyo.
Posible aniyang magkaroon ng ‘Chain Reaction’ kapag naisabatas na ang naturang panukala.
Kaugnay nito, inihayag ng kalihim na pinag-aaralan na ng ahensya ang posibleng intervention upang matulungan ang mga micro at small businesses sakaling madagdagan pa ng P100 ang minimum wage ng mga manggagawa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) , mayroong mahigit 4 milyon minimum wage earners sa bansa. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma