Dalawa hanggang 13% ang itinaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa nakalipas na ilang linggo habang papalapit ang Christmas season.
Ipinabatid ito ni Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Incorporated kung saan ilan sa mga nagtaas ay may sangkap na asukal tulad ng ready to drink beverages, chocolate, jelly at peanut butter.
Sinabi ni Cua na mahigit 20 manufacturers ang humiling ng dagdag-presyo kabilang ang non-essential items.
Para sa Noche Buena items, inihayag ni Cua na uubrang mamili ng mas murang uri ng goods tulad ng fruit cocktail na ang imported ay nasa 13% ang itinaas na presyo samantalang hindi naman ganito ang iniakyat ng halaga ng local fruit cocktail.
Una nang nagpalabas ng price guide ang DTI para sa mga consumer at retailer sa pagbili ng Noche Buena products ngayong Kapaskuhan.