Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa Martes, ika-siyam ng Pebrero.
Ayon sa mga source mula sa industriya, maaaring tumaas ng P1 hanggang P1.05 kada litro ang halaga ng diesel habang P0.80 hanggang P0.90 sa gasolina.
Sinasabing sisirit din ng P0.95 hanggang P1 ang halaga ng gaas o kerosene.
Ang paggalaw ng presyo ng langis ay dulot ng pagbabawas sa produksyon ng langis sa Saudi Arabia at iba pang bansa.
Bukod dito, sumadsad din ang imbentaryo ng langis sa Estados Unidos na nakakaaapekto sa presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.