Muling aasahanan ng mga motorista at mga tsuper sa susunod na linggo ang malakihang dagdag-presyo matapos na sumirit sa higit 100 dollars per barrel ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado bunga ng digmaan ng Russia at Ukraine.
Base sa nakalipas na apat na araw at sa Mean of Platts Singapore, posibleng pumalo sa 4 pesos 20 centavos hanggang 4 pesos 50 centavos ang madagdag sa presyo ng Diesel bawat litro, habang 3 pesos hanggang 3 pesos 30 centavos per liter naman ang itataas ng presyo sa gasolina.
Nabatid na simula nitong Enero, 9 pesos 60 centavos per liter na ang itinaas sa presyo ng gasolina at 11 pesos 65 centavos naman per liter sa Diesel.
Samantala, ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay posibleng magbago sa magiging resulta ng kalakalan sa Biyernes. – sa panulat ni Mara Valle