Masayang iniulat ng Department of Trade and Industry o DTI na bumaba ang presyo ng ilang produktong pang-Noche Buena, ilang araw bago ang Araw ng Pasko.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, mga manufacturer ang mismong nagdesisyon na tapyasan ang ang presyo ng kanilang mga manufactured noche buena items sa kabila ng inilabas na suggested retail price ng kanilang tanggapan para sa holiday season.
Pawang mga tinging tindahan lamang aniya ang kadalasang sumunod sa srp habang karamihan umano ng supermarket ay nagbebenta naman ng mas mababa sa SRP bulletin.
Mananatili naman aniyang tututukan ng DTI ang lahat ng pamilihan sa bansa hanggang sa matapos ang taong 2018.