Walang paggalaw sa presyo ng Pinoy pandesal at Pinoy tasty, hanggang Pasko.
Ito ang tiniyak ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino President Lucito Chavez, sa kabila ng pagmahal ng mga sangkap sa paggawa nito.
Ayon kay Chavez, naglalaro ang presyo ng Pinoy tasty sa ₱40, habang ang isang balot naman ng Pinoy pandesal ay ₱25.
Paliwanag ng naturang asosasyon, responsibilidad nila sa pamilyang Pilipino na hindi itaas ang presyo ng mga ito.
Gayunman, posibleng magmahal ang iba pang uri ng tinapay, pastries, at cakes, dahil sa pagsirit ng presyo ng ilang raw materials sa paggawa nito, tulad ng itlog at asukal, at pag-akyat ng gastos ng mga manufaturer sa kanilang operasyon. - sa panulat ni Charles Laureta