Inihayag ni Tinapay Festival owner at Philippine Federation of Bakers member Luisito Chavez na nakaambang tumaas ang presyo ng pinoy tasty at pinoy pandesal sa Pebrero dahil sa mataas na presyo ng mga ingredient sa paggawa ng tinapay.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Chavez na ito ang kanilang napag-usapan makaarang magpulong ang mga maliliit at malalaking manufacturer ng tinapay sa bansa.
Dagdag pa niya, ipinakiusap ng Depertment of Trade and Industry (DTI) noong last quarter ng 2021 na alang-alang sa pandemya at pasko ay huwag munang galawin ang presyo ng mga tinapay.
Samantala, nilinaw ni Chavez at ng mga asosasyon na wala pang eksaktong halaga kung magkano ang itataas sa presyo ng mga naturang produkto. —sa panulat ni Airiam Sancho