Nakaambang tumaas ang presyo ng ilang processed meat products sa susunod na mga buwan.
Ito’y sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF).
Pinangangambahan kasi ang posibleng pagkaunti ng suplay ng karneng baboy na ginagamit sa paggawa ng hotdog at tocino dahil sa ASF.
Kaugnay nito, asahang maglalaro sa 30% hanggang 40% ang dagdag presyo ng imported na pork cuts.
Kasabay nito, nagbabala rin ang industriya na maaari ring dumoble ang presyo ng ham lalo’t papalapit na ang pasko.
Gayunman, tiniyak ng mga manufacturer ng processed meat products na hindi nila gaanong lalakihan ang dagdag sa presyo pagdating sa mga pamilihan dahil sa pangambang lalo umano silang walang kitain.