Naganganganib tumaas ang presyo ng processed meat tulad ng hotdog, siomai at luncheon meat.
Ito, ayon sa grupong Philippine Association of Meat Processors Incorporation (PAMPI) at Meat Importers and Traders Association (MITA) sa oras na isabatas ang revised Agricultural Tariffication Act o kilala bilang Rice Tariffication Bill.
Sa ilalim ng bill, aalisin ang mga hadlang sa pag-angkat ng bigas o quantitative restrictions upang dumami ang supply at bumaba ang presyo nito.
Ang mga imported na karne anila ang ginagamit sa paggawa ng hotdog, sausage, luncheon meat at iba pang giniling na karne.
Inihayag ni PAMPI Executive Director Francisco Buencamino na maaaring tumaas ng 12 hanggang 17 porsyento ang presyo ng processed meat depende sa kategorya ng produkto.
Katumbas ito ng siyete (7) hanggang 20 pesos na dagdag presyo sa kada kalahating kilo ng hotdog habang ang longganisa at iba pang sausage ay maaaring tumaas nang hanggang bente sais (6) pesos.
—-