Inaasahang tataas ang presyo ng processed meat product na gawa sa baboy gaya ng tocino, ham at bacon.
Ayon kay Rex Agarado ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), ang naturang paggalaw ng presyo ay dahil sa pagtama ng african swine fever sa ibang bansa na nag-eexport ng karne ng baboy gaya ng China.
Gayunman, sinabi ni Steven Cua, president ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, wala pang abiso ngayon ang mga manufacturers kaya’t hindi pa mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng mga nabanggit na produkto sa mga supermarket.