Asahan na ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa Martes.
Ito’y matapos ang limang beses na bawas presyo sa petrolyo.
Ayon sa mga energy sources, papalo sa P 1.60 hanggang P1.70 ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa P1.25 hanggang P1.35 naman ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel.
Malaki rin ang umento sa presyo ng kerosene na nasa P1.20 hanggang P1.30 kada litro.