Aarangkada na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Chevron Philippines Inc., Caltex at Seaoil Philippines Inc. Ipatutupad nito ang 1.70 centavos na bawas-singil sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa 2.45 centavos ang umento sa kada litro ng kerosene habang 1.70 centavos ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel.
Ipatutupad rin ng Cleanfuel at Petro Gazz ang nasabing price adjustment maliban sa kerosene na wala sila.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), umabot na sa P25.55 ang net increase sa year-to-date adjustments sa kada litro ng gasolina, P29.10 sa kada litro ng diesel, at p25.20 naman sa kada litro ng kerosene.