Inaasahang bababa ng P12 at P16 ang presyo ng diesel at gasolina sa susunod na Linggo.
Ayon kay Department of Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., ito ay dahil sa pagbuti ng pandaigdigang krisis.
Gayundin ang pagbubukas ng ekonomiya dahil sa pagluluwag ng mga restriksyon kung saan dumami ang demand sa merkado.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P200 kada buwan na subsidiya para sa mga mahihirap na pamilyang pilipino sa gitna ng pagsirit ng presyo sa produktong petrolyo. – sa panulat ni Airiam Sancho