Ilalarga na bukas ang pagtaas ng presyo ng oil product.
Magpapatupad ng taas presyo ang kumpanyang Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Ptt Philippines, Shell, Seaoil, at Total Philippines ng 40 sentimo kada litro ng Diesel.
Habang 50 sentimo kada litro naman ang taas presyo ng gasolina.
Samantala, 30 sentimo naman ang dagdag singil sa kada litro ng kerosene ng kumpanyang Caltex, Seaoil at Shell.
Nagsimula na ang oil price hike ng kumpanyang Caltex kaninang alas-12 ng hatinggabi.
Mamayang ala-6 naman ng umaga magsisimula ang oil price hike ng kumpanyang Petro Gazz, Ptt Philippines, Shell, Seaoil, at Total Philippines.
Samantala, magsisimulang magbago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng cleanfuel mamayang alas kwatro ng hapon.
Inaasahan na rin mag-aanunsiyo ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.