Nakaamba na naman ang isa pang yugto ng oil price hike sa susunod na linggo.
Ito na ang ikatlong sunod na pagkakataon na magtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Base sa oil trading monitoring, tataas ng P2 hanggang P2. 30 sa kada litro ng diesel
Habang, tataas naman ng .20 sentimo hanggang .50 sentimo sa kada litro naman ng gasolina.
Karaniwang ipinatutupad ng oil companies ang fuel price adjustments kada Lunes, na epektibo naman sa pagsapit ng Martes.