Asahan na muli ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na Linggo.
Kinumpirma ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino abad na may nakaambang pagtaas sa presyo ng langis.
Ayon kay Abad, posibleng tumaas ng mahigit P3 ang kada litro ng gasolina habang P3 hanggang P4 ang umento sa kada litro ng diesel.
Paliwanag ng opisyal, pumalo sa 128.11 dollars ang presyo ng kada barrel ng global crude oil hanggang nitong Abril 21, na mas mataas kumpara sa S117.45 kada barrel noong Abril 11.
Karaniwang inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments kada lunes na ipinatutupad naman sa araw ng Martes.