Muling magpapatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., P2.15 per liter ang itataas sa presyo ng gasolina, P4.30 sa diesel habang P4.85 naman sa kerosene.
Ipapatupad rin ng Cleanfuel ang naturang price adjustment maliban sa kerosene.
Epektibo simula bukas ng ala-6 ng umaga ang nasabing adjustment ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., habang alas-8 naman ang Cleanfuel.
Ayon sa Department of Energy, ang pagsirit ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng pagluwag ng lockdown sa China, European Union Ban sa Russian Oil Imports at panahon ng summer sa Northern Hemisphere Countries mula Hunyo hanggang Setyembre.