Sa ika-11 pagkakataon, posibleng magkasa muli ng malaking taas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa susunod na Linggo.
Ayon Sa Unioil Petroleum Philippines, tinatayang sisirit sa P12.20 hanggang P12.30 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
Habang maglalaro naman sa P6.80 hanggang P7.00 kada litro ang taas presyo sa gasolina.
Sakaling mangyari, ipapatupad ito sa Martes, Marso 15.
Matatandaan Marso 8 nang maitala ang pinakamataas na dagdag-presyo sa produktong petrolyo kung saan pumalo sa higit limang piso ang nadagdag sa kada litro ng diesel at higit apat na piso naman sa gasolina. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles