Umabot na sa $85 at 73 cents ang presyo ng kada bariles ng brent crude oil sa international market sa gitna ng numinipis na supply at tumataas na demand ngayong may COVID-19 pandemic.
Ito na sa ngayon ang pinakamataas na presyo ng krudo simula noong Oktubre 2018.
Marami ng power plant ang lumipat sa fuel oil at diesel sa halip na kumonsumo ng mas mahal na natural gas at coal bilang panggatong.
Pinangangambahanng organization of petroleum exporting countries na tataas pa ang presyo ng krudo habang papalapit na ang taglamig sa North America, Europa at ilang bahagi ng asya.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng manipis na supply ang kabiguan ng mga OPEC member nations na mag-produce ng karagdagang volume.—sa panulat ni Drew Nacino