Tumaas ng mahigit 4% ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado ngayong Biyernes, Enero 3.
Ito ay matapos maiulat na ipinapatay umano ng Estados Unidos ang isang mataas na military general ng Iran sa gitna na rin ng mas tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Bunsod nito, sumirit sa 69.16 dollars ang presyo ng Brent Crude habang 63.84 dollars naman ang West Textas intermediate (WTI) crude oil.
Batay sa ulat mula sa isang mataas na opisyal ng Iraqi Paramilitary Force, napatay ang pinuno ng Quds Force ng Iran na si Qasem Soleimani sa nangyaring pag-atake sa Baghdad International Airport.