Hindi dapat lumagpas ng 200 pesos kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.
Ito ang sinabi ng samahang industriya ng agrikultura matapos ang muling pagbabadya ng pagsipa ng presyo ng sibuyas.
Ayon kay Sinag Executive Director Jayson Cainglet, ang bultuhang anihan ng sibuyas sa unang bahagi ng 2023 ay tapos na.
Nabatid na ito ay dahil ang landed cost ng imported onions ay naglalaro mula 25-40 pesos kada kilo.
Sa ngayon aniya ang bentahan ng sibuyas direkta sa onion farmers patungo sa mga trader ay mula Php50-100 kada kilo. - Sa panunulat ni Hannah Oledan