Dumoble na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, sa lungsod ng Maynila, isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Sa price monitoring ng DWIZ patrol, mula sa P350 na arrangement ng mga pulang rosas umakyat na ito ngayon sa P800.
Ang bouquet naman ng rosas na may kasamang tsokolate ay nasa P1,500, habang ang may kasama namang teddy bear ay nasa P1,800.
Ang isang pirasong local rose ay nagkakahalaga ng P70 habang ang mula sa China ay nasa P150.
Naglalaro naman sa P400 hanggang P500 ang arrangement ng assorted Malaysian mums, habang ang bungkos naman ng gerbera ay nasa P250 na, mula sa dating P180 at nasa P150 naman ang presyo ng kada dosenang carnation.
Samantala, siniguro naman ng mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa na sapat ang suplay ng bulaklak sa lugar.
By Katrina Valle | Jopel Pelenio (Patrol 17)