Inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) undersecretary Ruth Castello na plano nilang bawasan ang mga bayad sa RT-PCR tests.
Aniya, inaayos na ng kagawaran ang ilang patakaran para sa mas mababang presyo ng mga antigen at RT-PCR test.
Dagdag pa ni Castello, posibleng mabawasan ng hanggang P300 ang dating P900 halaga ng nasabing test.
Samantala, may mga ilang konsiderasyon pa aniya silang inaayos kaugnay sa naturang final computation.—sa panulat ni Airiam Sancho