Inanunsyo ng Department Of Health o DOH na maaaring bumaba ang presyo ng RT-PCR test.
Iyan ay para ang nasabing testing at maging abot-kaya at accesible sa malaking bahagi ng populasyon ng bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpakita na ang Inter-Agency Task Force o IATF ng bagong price cap ng nasabing COVID-19 testing pero hindi pa idinetalye ni Vergeire kung magkano ito.
Ayon sa tala ng DOH, umaabot sa P3,800 ang presyo ng COVID-19 testing sa karamihan ng mga public laboratory habang P5,000 naman sa mga pribadong laboratoryo sa bansa nitong Pebrero.—sa panulat ni Rex Espiritu