Pinatataasan ng Pilipinas sa mga Japanese retailers ang presyo ng ibinebentang saging na ipino-produce ng mga bansa sa Southeast Asia.
Ito ay matapos maging pahirapan ang pag-export ng saging dahil sa pagmahal ng gastos sa production at shipping, maging ang nagbabadyang food crisis dulot ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa Japan, umaabot na ngayon sa ¥160 o katumbas ng $1.2 ang presyo sa kada buwig ng saging, mas mataas ng $0.5 noong November.
Ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier ng saging sa Japan na nagpadala ng 844 million tons ng saging noong 2021.