Ibinaba na ng Philippine Red Cross o PRC ang presyo ng kanilang saliva at RT-PCR tests nang hanggang 25% upang madagdagan ang testing capacity sa bansa.
Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, bumaba ang swab test price sa P2,800 mula sa dating P3,800 habang ang saliva test ay nagmura ng 1,500 mula sa dating 2,000 pesos.
Epektibo anya ang price cut simula bukas, Setyembre 4.
Umabot na sa halos 4 milyong COVID testing simula Abril 2020 ang isinagawa ng PRC sa kanilang 13 molecular laboratory sa buong bansa.—sa panulat ni Drew Nacino