Nakaambang tumaas ang presyo ng sardinas mula limampu (P0.50) hanggang walumpung (P0.80) sentimos.
Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines ang nasabing dagdag singil sa sardinas ay kalahati ng kabuuang dapat na taas presyo na noong nakaraang taon pa nila inihirit sa Department of Trade and Industry o DTI.
Paliwanag ni Marvin Lim, presidente ng asosayon, hindi sila nagtaas noong nakaraang taon kahit pa mataas na ang presyo ng krudo at ng kanilang raw materials.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kung magkano ang papayagan nilang dagdag presyo sa sardinas.
Samantala, bukod sa sardinas, nakaamba na rin ang pagtaas ng presyo ng ilang brand ng toyo, suka, patis, formula milk at noodles.
Batay sa monitoring ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association dalawa hanggang limang porsyento ang asahang dagdag sa presyo ng mga nabanggit na bilihin.
—-