Muling tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na nananatiling matatag ang presyo ng mga ibinebentang school supplies sa lahat pamilihan sa buong bansa.
Kasunod nito, tiniyak din ng DTI na hindi lumalagpas sa Suggested Retail Price o SRP ang mga gamit pang-eskuwela.
Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, mayroong mga negosyante na nagbebenta ng mas mababa sa itinakdang SRP ng DTI na tiyak na abot kaya ng mga magulang.
Dahil dito, inaasahang magtatagal hanggang sa buwan ng Hulyo ang mababang presyo ng mga school supplies at paiigtingin din ng DTI ang kanilang pagbabantay upang makatiyak na walang magsasamantala sa presyo ng mga ito dahil na rin sa karampatang parusang katapat nito.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)