Naitala ng Department of Trade and Industry o DTI ang paggalaw ng presyo ng mga school supplies ilang linggo bago ang pasukan.
Ayon sa DTI, mula pa noong Oktubre ay tumaas na ng P1 hanggang P3 ang presyo ng mga de papel na school supplies.
Bunga umano ito ng pagmahal ng raw materials at paggalaw ng piso kontra dolyar.
Kasabay nito, inilabas na ng DTI ang suggested retail price o SRP sa mga gamit pang eskuwela upang magabayan ang mga magulang sa kanilang pamimili.
Mabibili ang 80 pages composition notebook ng P12 hangang P17, pad paper P6 hanggang P11, intermediate pad paper P12.20 hanggang P32.75.
Ang lapis three pack sets ay P12 hanggang 37.50 pesos habang ang three pack ng ballpen ay P12 hanggang 32.75 pesos.
Ang walong pirasong crayola ay 12 pesos habang ang 24 pieces ay mabibili sa P32 hanggang 49.25 pesos.
Para sa kumpletong listahan ng SRP sa mga school supplies ay mag-log in sa www.dti.gov.ph Gabay School Supplies SRP.
—-