Nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga sibuyas at ilang noche buena items sa Balintawak Market sa Quezon City.
Halos isang buwan na lamang ito bago mag Pasko.
Ayon sa mga vendor sa Balintawak Market, ang presyo ng sibuyas ay nasa P95.00 na kada kilo mula sa dating P60.00 lalo nang hindi dumating ang mga inangkat na sibuyas.
P2.00 naman ang itinaas ng kada lata ng fruit cocktail, kung saan ang maliit na lata ay dating P75.00.
Tumaas ng P5.00 ang creamer na isang sangkap ng fruit salad, kung saan ang 250 grams na creamer ay mabibili na ngayon ng P52.00.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng ilan sa mga gulay tulad ng carrots na tumaas ng P20.00 at dating P60.00 kada kilo, kamatis na P80.00 na mula sa dating P30.00 kada kilo at repolyo na dating P40.00 ngayon ay P70.00.