Bumagsak ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Kamakailan, umakyat sa 600 kada kilo ang bentahan ng sibuyas subalit bumaba ang presyo ng mga ito sa P350 lungsod ng Balintawak Market sa Quezon City.
Umaasa ang ilang mga tindero na patuloy na gaganda ang bentahan ng sibuyas at babalik na rin ang kanilang mga suki.
Naglalaro sa halagang P400 – P500 ang kada kilo ng sibuyas base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Batay sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang tuluyang pagbaba ng presyo ng sibuyas ay dahil sapagtaas ng ani sa mga probinsya.
Matatandaang, inanunsyo ng gobyerno ang pag-aangkat ng mahigit 21,000 metric tons ng sibuyas para mapababa ang presyo nito. – sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon