Inaasahang babagsak sa 50 pesos ang kada kilo ng sibuyas.
Ayon ito kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda dahil lahat naman aniya ay babalik sa normal.
Muling inihayag ni Salceda na ang mga kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.
Ang nangyari aniya ay predatory pricing kung saan ibinaba ang presyo ng sibuyas, pinatay ang mga lokal na magsasaka at ngayo’y may kontrol sa supply.
Una nang inihayag ng SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura na sumirit ang presyo dahil sa kabiguan ng gobyernong mag-angkat ng sibuyas.