Ibinabala ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura na posibleng sumirit muli sa P500 hanggang P700 per kilo ang presyo ng sibuyas.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, magpapatuloy ang upward trend ng retail price ng sibuyas makaraang umabot na sa P200 ang kada kilo sa ilang pamilihan.
Dapat anyang inspeksyunin ng Department of Agriculture at Bureau of Plant Industry ang cold storage facilities upang mabatid ang inventories at maglabas na ng aktuwal na imbentaryo ng sibuyas.
Matatandaang sumadsad sa P50 hanggang P80 per kilo ang farmgate price noong peak harvest kaya’t hindi dapat umabot ng P200 per kilo ang retail price.
Kinumpirma naman ni B.P.I. Spokesman Diego Roxas ang babala ni SINAG Chairman Rosendo na hanggang Hulyo na lang ang supply ng puting sibuyas habang hanggang Nobyembre o Disyembre ang pula.
Aminado rin si Roxas na hindi pa nila isinasapinal ang volume ng local onion production ngayong taon.
Dahil sa nagbabadyang kakapusan, ikinakasa na ng D.A. ng pag-aangkat muli ng 23,000 metric tons ng sibuyas upang mapababa ang presyo nito.