Maaaring bumaba sa P100 hanggang P150 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas matapos aprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang importasyon ng karagdagang 22,000 metric tons ng nasabing produkto.
Ayon kay Department of Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez, inaasahang darating ang imported onions bago o sa mismong Enero 27.
Ito’y upang hindi masabay sa kasagsagan ng anihan ng lokal na sibuyas sa Pebrero.
Kailangan anya nilang magbigay din ng limitasyon kung kailan at gaano karaming volume ang aangkatin para ma-protektahan ang mga lokal na magsisibuyas.
Hindi rin dapat bumaba sa production cost ng mga magsasaka ang presyo kaya’t masasabing tama lamang ang P100 hanggang P150 pesos na kada kilo.