Posibleng bumaba ang presyo ng mga sibuyas sa kalagitnaan ng unang buwan ngayong taon.
Ito ang nakikitang posibilidad ng Department of Agriculture matapos itong pumalo sa P500 hanggang P600 kada kilo ang presyo nito.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, mararamdaman na ang pagbaba ng mga presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng Enero ngunit sa ngayon ay mataas ang presyo nito dahil sa mataas ang demand.
Sa kabila nito, patuloy namang tinitiyak ng kagawaran ang sapat na supply ng sibuyas sa lahat ng pamilihan sa buong bansa.
Magugunitang tumaas higit P500 ang kasalukuyang presyo ng sibuyas sa merkado.