Nanganganib tumaas pa ang presyo ng sibuyas makaraang mapinsala ng husto ng bagyong Lando ang mga taniman ng nito sa hilaga at gitnang Luzon na siyang pinagkukunan ng suplay sa Kamaynilaan.
Ayon kay Leah Cruz, Pangulo ng Vegetables Importers Exporters and Vendors Association o VIEVA, siya na lamang ang may hawak ng malaking stock ng sibuyas na nasa mahigit 1.2 milyong sako o kabuuang 31.2 kilong sibuyas.
Binigyang diin ni Cruz na ang nasabing dami ng mga stock na sibuyas ay maaaring tumagal lamang ng hanggang ikatlong linggo ng buwang kasalukuyan o isang buwan bago mag-Pasko.
Kung hindi aniya magbibigay ng permit ang BPI sa mga trader ng sibuyas, posibleng sumirit ang presyo nito sa pamilihan dahil sa kontrolado na ng ilang negosyante ang suplay nito.
Sa kasalukuyan, ibinebenta ang kada kilo ng sibuyas sa halagang P70 hanggang P80 kumpara sa dating P40 hanggang P50 bago manalasa ang bagyong Lando.
By Jaymark Dagala / Aya Yupangco (Patrol 5)