Kailangang mag-angkat na ang Pilipinas ng libu-libong toneladang sibuyas ngayong buwan sa gitna ng kakulangan sa naturang produkto sa bansa.
Inihayag ni Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) chairman Rosendo So na wala nang suplay ng puting sibuyas sa bansa noong nakaraang buwan.
Apektado na rin anya ang pulang sibuyas sa Pilipinas at maliit na ang inventory nito sa ngayon.
Ayon kay So, kailangan ng 7,000 metric tons na white onion at 7,500 metric tons ng red onion sa bansa, lalo’t nasisira na ang ibang sibuyas.
Ibinabala naman ng farmers group na kung hindi kakayanin ng Department of Agriculture na magpasok sa bansa ng sibuyas sa Disyembre, lalong sisirit ang presyo nito kaya’t ngayong Nobyembre pa lamang ay dapat mag-angkat na.