Lumabas sa isang pag-aaral na ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas ang pinakamahal sa buong mundo.
Batay ito sa pag-aaral ng website na global product prices noong Setyembre.
Naglalaro na sa P280 hanggang P300 ang kada kilo ng pulang sibuyas sa mga palengke sa pilipinas habang sumisirit sa halos P400 sa mga supermarket o 6 dollars 63 cents.
Pero sa nakalap na datos ng global product, 1 dollar & 51 cents lamang ang global average price ng sibuyas o mahigit P80 kada kilo.
Pinakamura sa Norway na 22 cents o P13; sumunod sa Pilipinas na may pinakamahal na sibuyas ang Puerto Rico, 4 dollars 70 cents habang 4 dollars 62 cents sa Japan.
Mababa rin ang presyo ng sibuyas sa Uzbekistan, 36 cents at 40 cents sa Kazakhstan.